Top 3 Sulit Finds sa Online for Teachers (Tagalog)


Top 3 Sulit Finds sa Online for Teachers

Sa totoo lang, ako 'yong tipo na di palabili online. Bakit? Simple lang, mas gusto kong nakikita at nahahawakan muna ang anumang produkto na gusto kong bilhin. Pero, bilang isang indibidwal na nasa maodernong panahon, char, hindi natin maiwasang bumili online and this time, napasabi ako ng "SUPER SULIT pala"! 

Bilang guro, mahirap magturo kapag kulang sa kagamitan. Malamang, alam natin lahat 'yan. Para bang sa pagluluto, hindi masarap ang pagkain kung kulang sa sangkap. Mas napapadali at natuto rin ang mga mag-aaral kung komportable ang guro at kung malinaw ang mga panuto na kaniyang binibigay. Pero, ang blog na ito ay hindi tungkol sa pangangaral ha? 

Narito ang aking TOP 3 Sulit Finds sa Online para sa ating mga guro:

1. Wireless Flip Pen PPT Slide USB Powerpoint Clicker Pointer


Buy Herehttps://invl.me/cln5yvb
Best Feature: Size
Product Quality: 10/10
Performance: 10/10
Available Colors: White, Black, Pink

Review: Gustong-gusto ko ang product na ito. Matagal maglowbat at very convenient din ang size nito. Madadala mo talaga kahit saan. May libreng pouch din ito. Mabilis ding naipadala ito sa akin. 

Maaari itong maging pointer gamit ang laser nito. Compatible din ito sa powerpoint, document, pdf, at iba pa. Maaari ka nang mag-click ng next o previous sa iyong powerpoint presentation kahit na may distansya ka sa laptop mo!




2. M29 Wireless Lavalier Microphone Speaker Bluetooth 5.0 Portable PA System for Teaching Tour Guide 15M Range (LAPEL)


Buy Herehttps://invl.me/cln5yud
Best Feature: 2 Microphones, Bluetooth Speaker, and Size
Product Quality: 10/10
Performance: 10/10

Review: Para sa akin, best feature nito ang microphone, take note, dalawang (2) microphone mayroon ito. Malinaw at malakas ang volume ng microphone at pati ng speaker mismo. Gusto mong magsalita habang may background music? Pwede dito!  

Isa pa, malakas yung kapit ng magnet nito. Di mo na kailangang hawakan palagi yung mic. Pwedeng nakamagnet lang sa kwelyo o saan man sa itaas na bahagi ng shirt mo. Diba? Napaka-convenient magkaroon nito. 

Yellow Arrow - Microphone; Red Arrow - Product

Ako ito habang nasa isa kong klase gamit ang produktong ito bilang lapel. Masasabi kong napakagaling ng gumawa nito. ❤️

3. Tp-Link Tapo C200C Pan/Tilt Home Security Wi-fi Camera


Buy Here: https://invl.me/clmrghd
Best Feature: Two-way Audio, Night Vision
Product Quality: 10/10
Performance: 10/10

Review: Syempre, di dapat mawala ito. Bilang isang Class Adviser, maraming pagkakataon na nagamit ko ang CCTV na ito sa klase ko. Di lamang para masupervise palagi ang advisory class ko, nagagamit ko rin ito for security and proof purposes. Para sa akin, best feature ang two-way audio nito. Yes, real-time pwede mong makausap ang sino mang nakikita mo sa CCTV. May mobile application din ito na palaging nagnonotify kung mayroong motion o person detected. Malinaw din ang kuha o capture nito kahit gabi dahil sa night vision nito. Well recommended din ito ng mga momshie na kilala ko dahil sa baby crying detection feature nito.


Ito ang kuha nito sa gabi. Diba? Malinaw. Sa katunayan, kahit alikabok makikita mo at totoong nagnonotify ito sa app kahit alikabok lang ang gumawa ng motion. Ganoon siya kalinaw, mga bes! 😅

May mga sulit finds ka rin ba, ka-guro? Share mo naman 'yan! 

Hanggang sa muli! 😉✨



Post a Comment

0 Comments